Pari dedo sa ambus

MANILA, Philippines - Walang sinisinung tao ang grupo ng kadiliman kung saan maging ang isang ala­ gad ng Simba­hang Katolika sa Northern Samar na sina­sabing nag­daos ng mass wedding ang pinagtulungang ratratin at napatay sa bayan ng San Jose kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang napatay na pari na si Fr. Ce­cilio Lucero, 47, parish priest sa bayan ng Catubig sa Nor­ thern Samar at ka­patid ni ex-Rep. Wilmar Lucero ng 2nd district ng Northern Sa­mar.

Sa police report na naka­ rating sa Camp Cra­me, na­ganap ang pana­nambang kay Fr. Lucero sa highway sa bayan ng San Jose mata­pos nitong pangunahan ang mass wedding sa ka­lapit na bayan.

Ayon sa pulisya, naka­lig­tas naman ang dalawang ka­­sa­ma ni Lucero sa sa­sakyan. 

Samantala, ayon kay Catarman Bishop Emma­nuel Trance, posibleng ang pagi­ging bokal ni Fr. Lucero sa pag­­tuligsa sa mga kaso ng pag­labag sa human rights sa nabanggit na lalawigan ang isa sa moti­bo ng pananam­bang.

Napag-alamang haya­gan ang pagtulong ni Fr. Lucero sa mga biktima na may ki­nalaman sa pagla­bag sa ka­rapatang pantao.

Kinondena naman ng Ca­ tholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang naganap na krimen kung saan hiniling sa mga awtori­dad na ma­da­liin ang pagre­solba sa kaso. (Ricky Tulipat at Mer Layson)

Show comments