Pari dedo sa ambus
MANILA, Philippines - Walang sinisinung tao ang grupo ng kadiliman kung saan maging ang isang ala gad ng Simbahang Katolika sa Northern Samar na sinasabing nagdaos ng mass wedding ang pinagtulungang ratratin at napatay sa bayan ng San Jose kahapon ng umaga.
Kinilala ng pulisya ang napatay na pari na si Fr. Cecilio Lucero, 47, parish priest sa bayan ng Catubig sa Nor thern Samar at kapatid ni ex-Rep. Wilmar Lucero ng 2nd district ng Northern Samar.
Sa police report na naka rating sa Camp Crame, naganap ang pananambang kay Fr. Lucero sa highway sa bayan ng San Jose matapos nitong pangunahan ang mass wedding sa kalapit na bayan.
Ayon sa pulisya, nakaligtas naman ang dalawang kasama ni Lucero sa sasakyan.
Samantala, ayon kay Catarman Bishop Emmanuel Trance, posibleng ang pagiging bokal ni Fr. Lucero sa pagtuligsa sa mga kaso ng paglabag sa human rights sa nabanggit na lalawigan ang isa sa motibo ng pananambang.
Napag-alamang hayagan ang pagtulong ni Fr. Lucero sa mga biktima na may kinalaman sa paglabag sa karapatang pantao.
Kinondena naman ng Ca tholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang naganap na krimen kung saan hiniling sa mga awtoridad na madaliin ang pagresolba sa kaso. (Ricky Tulipat at Mer Layson)
- Latest
- Trending