MANILA, Philippines - Nasamsam ng mga otoridad ang P1.5 milyong halaga ng marijuana nang salakayin ng mga ito ang malaking plantasyon sa Cagayan-Kalinga at Isabela.
Sa ipinadalang report ng Police Regional Office 2 kahapon, dakong alas 4:00 ng madaling-araw ng salakayin ng mga tauhan ng Kalinga Provincial Police Office at Philippine Drug Enforcement Agency Region 2 ang ilang hektarya ng taniman ng marijuana, particular na ang Sitio Banga-Banga, Brgy, Minagbag, Quezon, Isabela.
Nakuha dito ang 7,500 puno ng marijuana na 7-10 talampakan ang taas, bultu-bulto ng mga binhi at mga pinatuyong dahon. Subalit mabilis naman na tumakas ang mga suspek na responsible dito matapos na matunugan ang mga otoridad.
Agad na sinunog ang mga nasabing marijuana at dinala ang ilan bilang sample para maisailalim sa chemical examination. (Joy Cantos )