Shabu lab uli ni-raid sa Laguna

Camp Vicente Lim, Laguna , Philippines  – Isang araw lang ang nakalipas ay isang shabu laboratory uli ang sinalakay ng pulisya na nag­resulta ng pagkaka­aresto sa dalawang ba­baeng Chinese sa Sta Cruz, Laguna kamakalawa ng hapon.

Ang suspek ay nakila­lang sina Qui Yau, 24 at Ro San Go, 40, kung saan ni-raid ng mga elemento ng Laguna Police Provincial Office ang inuupahang apartment ng mga ito na pag-aari ni Myla San Juan dakong alas-4:00 ng hapon sa Brgy. Patimbao, sa bisa na rin ng search warrant na ipinalabas ni Judge Divina Gracia-Ong­keko ng Sta. Cruz, Laguna Regional Trial Court Branch 91.

Nakuha mula sa bahay ng mga suspek ang mga pa­rapernalias sa paggawa ng shabu tulad ng chemicals, mixer, mga containers.

Ayon kay Senior Superintendent Manolito Laba­dor, Laguna police director, nag-ugat ang naturang raid matapos na ituro ng da­lawa pang Chinese na sina Hung Zhi Peng at Go Chan Son, ang mga suspek nang isagawa ang raid sa Brgy Balibago, Sta. Rosa, Laguna noong Huwebes. Lu­malabas din na magkaka­sabwat ang mga naturang suspek na una ng naka­puslit papasok sa bansa at kabilang sa isang Chinese drug syndicate. Dinala ang mga suspek sa Laguna Police Provincial Office (LPPO) para sumailalim pa sa imbestigasyon. (Arnell Ozaeta)

Show comments