^

Probinsiya

Sundalo nag-amok: 2 patay, 5 sugatan

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dalawang sundalo ang nasawi at lima ang sugatan matapos na maburyong ang isang sundalo dahil sa tag­lay nitong “war shock” kaya nag-amok ito sa loob ng ka­nilang kampo sa Ba­rira, Ma­guindanao noong Biyernes ng hapon.

Ang mga biktima ay na­kilalang sina Sgt. Bernardo de Guzman at Pfc. Christopher Pagatpatan; pa­wang nagtamo ng mga tama ng M 16 rifles sa iba’t-ibang ba­hagi ng katawan habang su­gatan naman sina Lt. Col. Ani­ceto Vi­cen­te, nagtamo ng tama ng bala sa kaliwang kamay; Major Fe Rea, tina­maan sa leeg; 2nd Lt. Grace Sumal­bang, nasugatan sa tiyan; Sgt. Ronaldo Saraza at Cpl. Dennis Bergante; pa­wang kasapi ng Army’s Me­chanized Infantry Battalion.

Agad na isinugod sa Co­tabato Regional Medical Cen­ter at Notre Dame Cota­bato Hospital ang mga suga­tan para malapatan ng lu­nas.

Habang inooperahan naman ang suspek na si T/Sgt. Policarpio de la Cruz ng Army’s 603rd Infantry Brigade dahil sa tinamong su­gat ng barilin ng nagres­pon­deng mga sundalo dahilan hindi ito paawat sa pag-aamok.

Sa imbestigasyon, na­ganap ang insidente da­kong alas 4:30 ng hapon noong Biyernes nang du­mating ang convoy nina Vicente, Commanding Officer ng 2nd Mechanized Infantry Battalion sa kam­po ng suspek para magsa­gawa ng staff visit sa nasa­bing command post, ngunit pagbaba ng mga ito ay ma­bilis na pina­pu­tukan ng sus­pek ang una gamit ang M-16 rifle nito.

Ayon kay Spokesman Lt. Jonathan Ponce, ilang araw ng napupuna ng kan­yang mga kasamahan ang sus­pek na tulala at kakat­wa ang mga ikinikilos ngu­nit hindi akalain na tulu­yang mag-aamok at mapa­patay ang sa­riling kasama­han. Nag­paabot ng pakiki­ra­may ang opisyal sa pa­milya ng nasa­wing mga sundalo at isa­sailalim sa imbestigasyon ang insi­dente.

vuukle comment

BIYERNES

CHRISTOPHER PAGATPATAN

COMMANDING OFFICER

DENNIS BERGANTE

GRACE SUMAL

INFANTRY BATTALION

SGT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with