3 patay sa amang may sayad

MANILA, Philippines - Hinataw ng pala at pi­nuk­pok pa ng bato ng isang ama na umano’y may dipe­rensya sa pag-iisip ang dalawa niyang anak at ang kanyang matanda nang ina hang­gang sa masawi ang mga ito sa malagim na krimen sa Asingan, Pangasinan kama­kalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Jesus, 5; Annabelle, 3; at lola nilang si Marcelina na pawang may apelyidong Acosta.

Nahaharap naman sa kasong 3 counts ng homicide ang suspek na si Benito Acosta, 50 taong gulang.

Bukod sa palo ng pala, ilang ulit din umanong pinuk­pok ng bato ni Benito ang tatlo na siyang kumitil sa bu­hay ng mga ito.

Matapos namang mapa­tay ang mga biktima ay ti­nangka ni Benito na magpa­tiwakal sa pamamagitan ng pagbigti subali’t inabutan ito ng nagrespondeng mga operatiba ng pulisya.

Pinaniniwalaan namang sinumpong ng sakit sa pag-iisip si Acosta kaya nagawa ang malagim na krimen. (Joy Cantos)

Show comments