Pamangkin ni Gonzalez tiklo sa drug bust
ILOILO CITY , Philippines – Kalaboso ang binagsakan ng isang pamangking lalaki ni Presidential Chief Legal Counsel, Raul Gonzalez makaraang maaresto ng mga tauhan ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang drug operation noong Linggo sa Punta Dike, Barangay Bakhaw, Iloilo City.
Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency regional director, Paul Ledesma, ang suspek na si Nicolas Gonzalez Jr. ay pansamantalang nakakulong sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Mandurriao matapos makumpiskahan ng 38 sachets ng shabu, isang brick ng pinatuyong dahon ng marijuana at drug paraphernalia.
Ayon kay Ledesma, ang suspek na sinasabing anak ng chairman ng Barangay Fajardo, Jaro District na si Nicolas Gonzalez Sr. at first cousin ni ex-Justice Raul Gonzalez ay gumagamit ng iba’t ibang alyas at tirahan kung saan gumamit ng alyas Alan Gonzalez.
Pinabulaanan naman ni Ledesma ang espikulasyong may namagitang abogado mula sa Palas yo.
Paliwanag pa ni Ledesma, na ang suspek ay hindi lamang nagbebenta ng bawal na droga, maging ang kanilang bahay ay ginawang drug den. Ronilo Ladrido Pamonag
- Latest
- Trending