Shootout: 2 holdaper bulagta

CAMP VICENTE LIM, Laguna — Dalawang ka­lalakihan na sinasabing notoryus na holdaper at sangkot sa holdap ng payroll sa Calamba City kung saan napatay ang finance officer ng pulisya ang ini­ulat na napaslang maka­raang ma­kipagbarilan sa mga ala­gad ng batas sa bayan ng Bay, Laguna ka­hapon ng madaling-araw.

Isa sa dalawa na napa­tay ay si Meliton Gatdula, miyembro ng Sputnik Gang at Malacaman Group na sinasabing notoryus na nag-ooperate sa Southern Tagalog.

Sa ulat na nakarating kay P/Chief Supt. Perfecto Pa­lad, lulan nang motor­siklo ang dalawa nang pa­rahin ng pulisya sa checkpoint sa Los Baños, Laguna dahil sa ­wa­lang pla­ka ang kanilang sasakyan.

Imbes na huminto, umi­was pa ang dalawa sa checkpoint at pinaharurot ang motorsiklo patungo sa bayan ng Bay, Laguna.

Dito na nagkahabulan hanggang sa masukol ang dalawa sa may Sitio Sam­palucan, Brgy. Masaya kung saan naganap ang shootout.

Pinaniniwalaang sang­kot ang dalawa sa P2.2-milyong payroll holdap kung saan napatay ang finance officer ng Mimaropa PNP na si P/Senior Insp. Ludivina de Luna Guinali noong April 22. Arnell Ozaeta at Joy Cantos

Show comments