MANILA, Philippines - Umaabot sa 500 pamilya ang naapektuhan ng flashflood dulot ng malalakas na pag-ulan sa bayan ng Tanay, Rizal, ayon sa National Disaster Coordinating Council kahapon. Sinabi ni NDCC Executive Director Glenn Rabonza, ang pagbaha sa mataas na lugar ay nakaapekto matapos rumagasa sa Sitio Batac at Sitio Bauyo na nasa Brgy. Kutyo. Ang mga lugar na naapektuhan ng tubig-baha ay malapit sa Ayala Bridge ng Manila East na napapalibutan ng Ilog. Kabilang sa 500 apektadong mga pamilya ay 22 na inilikas at nanuluyan sa Ilaya Elementary School habang 39 bata at 22 naman matanda ay mula sa Sitio Bauyo. Samantala, nasa 20 kabahayan naman ang napinsala sa nasabing pagbaha. Joy Cantos