^

Probinsiya

Suhol sa jueteng inayawan

-

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya — Muling iginiit ni Bis­­hop Ramon Villena ng Diocese of Bayombong ang pagsalungat sa anu­mang uri ng iligal na sugal partikular na ang jueteng at on-line gaming sa Nueva Vizcaya sa kabila ng mga tangkang panunuhol ng mga gambling lord.

 “My position against jueteng and gambling in general has not changed and still remains as firm as before,” ito ang naging tugon ni Villena matapos siyang batikusin sa artikulo sa pa­hayagan kaugnay sa pana­nahimik nito sa usa­ping illegal numbers sa Nueva Vizcaya.

Mariin din na itinanggi ng Obispo na tumanggap siya ng pera mula sa controversial na Spanish-owned Me­ridien Vista Ga­ming Corp. na nagsa­sa­gawa ng operasyon sa mga lalawigan at iba pang bahagi ng bansa.

Kasabay nito ay ibi­nun­yag ni Villena ang ilang mga kilalang personalidad na nagtangkang magbigay ng suhol para sa operas­yon ng jueteng sa Nueva Viz­caya subalit nabigo lamang ang mga ito.

Kabilang na ang isang enve­lop na iniabot sa kan­yang ka­arawan subalit hang­gang nga­yon ay hindi pa binu­buksan.

Noong Miyerkules ng Aug. 19 ay ni-raid ng mga tauhan ng Task Force Maverick at Criminal Investigation and Detection Group ang dala­wang bolahan ng Meridien sa Nueva Vizcaya na nagresulta sa pagka­kadakip ng 59-katao. Victor Martin

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIOCESE OF BAYOMBONG

NOONG MIYERKULES

NUEVA VIZ

NUEVA VIZCAYA

RAMON VILLENA

SHY

TASK FORCE MAVERICK

VICTOR MARTIN

VILLENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with