^

Probinsiya

87 pulis kinastigo sa pananamit

-

MANILA, Philippines - Aabot sa 87 pulis na lu­mabag sa programang Ta­mang Bihis ng Philippine National Police ang kinas­tigo sa Negros Occidental.

Sa ulat ni P/Chief Inspector Rico Santotome Jr., spokesman ng provincial police office, lumilitaw na nagsagawa ng surprise inspection si P/Supt. Flo­ram Natu-el sa mga pre­sinto noong Agosto 25 hang­gang 27 at nadiskub­reng wala sa tamang ayos na bihis ang mga pulis kaya kaagad pinag-report ang 87 alagad ng batas sa Camp Alfredo Montelibano.

Kabilang sa mga kinas­tigong pulis ay sinasabing hindi maayos ang pagsu­suot ng uniporme tulad ng sira at kupas na ang badge saka nameplate, butas o sira na ang mga uniporme at hindi awtorisadong pag­susuot ng uniporme, ang iba ay hindi magka-partner.

Lumilitaw na aabot sa 12 pulis sa presinto ng pulisya sa Talisay ang na­italang lumabag sa pro­gramang Tamang Bihis habang aabot naman sa 10 sa bayan ng Escalante.

Kaugnay nito ay pa­ngungunahan ni P/Senior Supt. Manuel Felix, ang personal na pag-iinspek­syon sa mga pasaway na pulis sa gaganaping flag raising ceremony sa Camp Montelibano sa Cami­ngawan sa Lunes (Agosto 31). Joy Cantos

vuukle comment

AGOSTO

CAMP ALFREDO MONTELIBANO

CAMP MONTELIBANO

CHIEF INSPECTOR RICO SANTOTOME JR.

JOY CANTOS

MANUEL FELIX

NEGROS OCCIDENTAL

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

SENIOR SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with