MANILA, Philippines - Nadakip kamakailan ng mga operatiba ng Drug Enforcement Agency ang umano’y top drug lord sa Cordillera, ayon sa ulat kahapon.
Kinilala ni PDEA Director General Dionisio Santiago III Roberto S. Opeña, kinilala ang suspek na si Teodulo Villareal, 45, ng #46 Siapno Road, Pacdal, Baguio City at isa sa most wanted person sa rehiyon na naaresto ng kanilang tropa at Police Highway Patrol Group sa Baguio City.
Siya ay itinuturing na operator ng drug den sa rehiyon at miyembro ng local drug group kasama ang asawang si Catherine Hieras na nadakip sa bisa ng Warrant of arrest.
Sinampahan na sila ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nadakip din sina Brenda Singson, ng Puguits, La Trinidad, at Jordan Luther Managdag, kapwa ng Baguio City noong August 21. Si Singson ay tinaguriang “Shabu Queen” at itinuring na ikaapat na sa Top Drug Personalities sa lungsod.
Si Managdag naman ay kasama sa regional watch list ng drug personalities at umano’y parte ng Bambi Drug Group na nag-ooperate sa rehiyon. (Ricky Tulipat)