MANILA, Philippines - Isang dating pangulo ng Jose Rizal Memorial State College sa Dapitan City na si Felipe Q. Ligan ang hinatulan kahapon ng Sandiganbayan ng 18 taong pagkabilanggo matapos mapatunayang nagkasala ng katiwalian sa pagbili ng mga school supplies noong 1998.
Ipinataw din ang kahalintulad na sentensya sa dalawang miyembro ng bidding committee ng kolehiyo na sina Efren G. Cagbabanua at Herminio R. Hamah.
Ayon sa rekord ng korte, P59,765 ang nawala sa kaban ng bayan nang bumili sina Ligan ng P70,450 halaga ng school supplies o school forms mula sa priba dong kontratistang si Manuel Pap na ng MP Enterprise. Lumilitaw na P10,685 lang ang aktuwal na presyo ng naturang materyales. (Angie dela Cruz)