Tindera todas, 2 pa sugatan, tindahan inararo ng trak

CALUMPIT, Bulacan, Philippines — Isang babae ang nasawi habang tatlo pa ang nasu­gatan nang araruhin ng isang truck ang isang tin­dahan sa Barangay Pio Cruzcosa sa bayang ito kamakalawa ng gabi.      

Nakilala ang namatay na si Imelda R. Bunagan, 42 anyos, tindera ng uling at residente ng Barangay Ba­lite dito rin sa Calumpit.      

Kabilang naman sa su­gatan sina Mario Paguili­gan y Francisco, 49, dray­ber ng Mitsubishi L-300 van; Flo­rencia Mapilisan y Reyes, 62, kapwa resi­dente ng Ba­rangay Longos ng Calumpit at ang drayber ng trak na si Mark Donnell Nuñez y Re­latado 41, re­sidente ng San Miguel, ng Tarlac.    

Ayon sa pulisya, tinata­hak ng trak na minama­neho ni Nu­ñez ang kaha­baan ng Mac­Arthur Highway sa Ba­rangay Pio Cruzcosa nang mawalan ito ng giya, bu­mangga sa isang naka­pa­radang L-300 van hang­gang sa sumalpok ito sa tindahang binabantayan ni Bunagan na naipit sa mga concrete ng sasakyan.

Show comments