Lolo ni-rob slay ng pamangkin

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang lolo ma­karaang hatawin ng tubo at pagnakawan ng kanyang pamangking lalaki sa Barangay Japitan, Escalante City, Negros Occidental kamakalawa.

Naisugod pa sa Vicente Gustilo District Hospital subalit namatay din si Felipe Javier, habang pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na si  Mario Javier, 42.

Ayon sa provincial spokesman na si P/Chief Inspector Rico Santotome, lumi­litaw na nagkainitan ang magtiyuhin sa loob ng tahanan ng matanda sa Sitio Guinawon.

Hindi naman nabatid ng mga im­bestigador ng pulisya ang motibo ng krimen. Bago tumakas ay tinangay ng suspek ang hindi pa made­ter­minang halaga ng salapi ng kaniyang tiyuhin. Joy Cantos

Show comments