Lolo ni-rob slay ng pamangkin
MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang lolo makaraang hatawin ng tubo at pagnakawan ng kanyang pamangking lalaki sa Barangay Japitan, Escalante City, Negros Occidental kamakalawa.
Naisugod pa sa Vicente Gustilo District Hospital subalit namatay din si Felipe Javier, habang pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang suspek na si Mario Javier, 42.
Ayon sa provincial spokesman na si P/Chief Inspector Rico Santotome, lumilitaw na nagkainitan ang magtiyuhin sa loob ng tahanan ng matanda sa Sitio Guinawon.
Hindi naman nabatid ng mga imbestigador ng pulisya ang motibo ng krimen. Bago tumakas ay tinangay ng suspek ang hindi pa madeterminang halaga ng salapi ng kaniyang tiyuhin. Joy Cantos
- Latest
- Trending