Kano ninakawan, kinatay

MANILA, Philippines - Halos magutay ang buong katawan ng isang 62-anyos na Kano matapos pagtulungang saksakin ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan na  nanloob sa tahanan nito sa Sitio Camansi sa Ba­rangay Gun-ob, Lapu-lapu City, Cebu, kamakalawa ng ha­pon.

Ayon kay Senior Supt. Mariano Natuel, posibleng nan­laban si George Harold Bujnowski ng Massachusetts, USA, sa mga kawatan kaya siya tinuluyan.

Nabatid na nag-shopping sa mall ang asawang Pinay ng biktima at nang umuwi ay bumungad ang duguang katawan ng mister.

Nadiskubre rin ng mga awtoridad na nawawala ang P.3 milyong cash ng biktima na nakalagay sa kabinet nito. Joy Cantos

Show comments