Trader, ex-chairman pinabulagta

BATANGAS, Philippines – Sinalu­bong ni kamatayan ang magkumpareng ex-bara­ngay captain at negosyan­te makaraang ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa Lipa City, Batangas kamakalawa ng hapon.

Kapwa idineklarang patay sa Mary Mediatrix Hospital sina Rodante Ceruelas, 55, fish dealer at Roberto Malabanan, 45, ex-chairman at kapwa na­katira sa Barangay Lu­mang Lipa, sa bayan ng Mataas na Kahoy, Ba­tangas.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Francisco Rodriguez, Lipa police chief, lulan ng Honda Civic (UKP-807) ang dalawa nang dikitan at pagba­barilin ng dalawang ‘di-pa kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Tambo.

Nakaligtas naman ang asawa at hipag ni Cerue­ las na nakasakay sa liku­ran bahagi ng kotse kung saan sinabi ng anak na si Mil­dred na nakakatanggap ng pagbabanta ang kan­yang amang si Rodante. (Arnell Ozaeta)

Show comments