Trader, ex-chairman pinabulagta
BATANGAS, Philippines – Sinalubong ni kamatayan ang magkumpareng ex-barangay captain at negosyante makaraang ratratin ng motorcycle-riding gunmen sa Lipa City, Batangas kamakalawa ng hapon.
Kapwa idineklarang patay sa Mary Mediatrix Hospital sina Rodante Ceruelas, 55, fish dealer at Roberto Malabanan, 45, ex-chairman at kapwa nakatira sa Barangay Lumang Lipa, sa bayan ng Mataas na Kahoy, Batangas.
Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Francisco Rodriguez, Lipa police chief, lulan ng Honda Civic (UKP-807) ang dalawa nang dikitan at pagbabarilin ng dalawang ‘di-pa kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Tambo.
Nakaligtas naman ang asawa at hipag ni Cerue las na nakasakay sa likuran bahagi ng kotse kung saan sinabi ng anak na si Mildred na nakakatanggap ng pagbabanta ang kanyang amang si Rodante. (Arnell Ozaeta)
- Latest
- Trending