P.5M nakulimbat... Trader dedo sa holdaper
MANILA, Philippines - Napatay ang isang 51-anyos na negosyanteng babae makaraang pagbabarilin ng isa sa tatlong miyembro ng notoryus na robbery/holdap gang na puwersahang tumangay sa dala nitong bag na naglalaman ng P. 5milyong idi-deposit sana sa banko sa bayan ng Binangonan, Rizal kahapon.
Idineklarang patay sa Queens Mary Hospital si Lourdes Argoncillo, may ari ng gasolinahan at nakatira sa Bloomsdale Homes, sa bayan ng Angono, Rizal.
Sa inisyal na ulat ni PO3 George Arada, naganap ang insidente dakong alauna ng hapon sa Barangay Calumpang, Binangonan kung saan patungo sa banko ang biktima kasama ang kanyang mister na si Alfred na kapwa sakay ng Honda CRV (XSF-396) upang magdeposito ng pera.
Napag-alamang pababa na ng kanilang sasakyan ang biktima patungong banko nang sumulpot ang motorsiklong may lulang tatlong kalalakihan.
Pilit na hinahablot ng isa sa mga holdaper ang bag na naglalaman ng malaking pera mula sa biktima subalit nanlaban ang misis.
Bunga nito ay nairita ang isa sa tatlong holdaper at pinagbabaril ang biktima na duguang bumagsak kung saan sinaklolohan naman ng kanyang mister na naisugod sa ospital. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending