BATAAN , Philippines – Nilagdaan na kahapon ni Bataan Governor Enrique Garcia Jr. ang 60- araw na suspension order laban sa limang konsehal ng bayan ng Bagac matapos na irekomenda ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan kaugnay sa reklamo ng alkalde.
Inatasan ng gobernador ang local na sangay ng Department of Interior and Local Government sa pamumuno ni Espiridion Calara na isilbe ang suspension order laban kina Councilor Noel del Rosario, Mercedita Arellano, Daniel Banzon, Larry Banatugan at Councilor Guillermo Mendoza Jr.
Ang pagkakasuspinde sa mga konsehal ay bunsod ng reklamo ni Bagac Mayor Ramil del Rosario kaugnay sa hindi pagtupad ng kanilang tungkulin, pagmamalabis ng kanilang posisyon at gross misconduct.
Isa sa mga reklamo ni Mayor del Rosario ay ang hindi pag-aaproba ng 2009 annual budget ng munisipyo kung saan hindi nakatanggap ng suweldo ang 200 kawani na nasa job order sa loob ng walong buwan.
Nagkasundo naman ang mga miyembro ng Sanggu niang Panlalawigan na irekomenda ang suspension order kay Gov. Garcia kung saan nilagdaan. (Jonie Capalaran)