BULACAN , Philippines — Ikinagulat ng marami ang biglaang pagpanaw ni Mayor Eduardo Roquero ng San Jose del Monte City kahapon ng tanghali.
Ayon sa Information and Tourism Officer na si Dante Navarro, na patungong city hall si Roquero, 59, nang atakihin sa puso kaya mabilis na isinugod sa ospital kung saan siya pumanaw.
“Kumplikasyon daw ng diabetes ‘yung heart attack ni Mayor, sabi ng doktor,” pahayag ni Navarro.
Sinabi rin ni Navarro na ang makakapalit ni Mayor Roquero ay si Vice Mayor Rey San Pedro, na papalitan naman ni Councilor Noli Concepcion bilang bise alkalde. No replacement has been announced yet on who will assume the post. (Dino Balabo)