MANILA, Philippines - Dahil sa espiritu ng alak, nagawang gahasain ng isang tinedyer ang alagang kambing ng kaniyang kapitbahay na siyang ikinasawi ng hayop sa bayan ng Leon, Iloilo, kamakalawa.
Bestiality o pakikipag-sex sa hayop at kasong kriminal ang kinakaharap ngayon ni Roger Calaman, 18, ng Sitio Tacas, Barangay Talacuan ng nasabing bayan.
Sa ulat ng pulisya na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-6 ng hapon sa nasabing lugar.
Ayon kay PO1 Emmanuel Canatoy, mismong ang may-ari pa ng kambing na si Eliseo Minerva ang nakahuli sa suspek at nagreklamo sa pulisya.
Nasaksihan ni Minerva ang ginawang panggagahasa ng suspek sa kanyang alagang kambing.
Lalong tumindi ang galit ni Minerva nang makita niyang patay na ang alagang kambing nang lubayan ng tinedyer.
Napag-alaman na katatapos lang ng suspek sa pag-aani ng palay kung saan naglasing ito at dahil sa masamang impluwensya ng alak ay ginahasa nito ang kambing. (Joy Cantos)