MANILA, Philippines - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga di-pa kilalang grupo ng gunmen ang magkaibigang lalaki na sinasabing magkasamang nag-iinuman ng alak sa videoke bar sa Cogon area sa Cagayan de Oro City kahapon ng madaling-araw.
Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nakilala ang dalawa na sina Cristituto Tumanda, agent ng Anti-Theft and Robbery section ng pulisya at isang alyas “Joyjoy.”
Ayon kay SPO1 Richard Torres, na wala namang testigong lumutang para makapagbigay ng impormasyon sa pamamaril. (Ricky Tulipat)