CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinaniniwalaang matinding selos ang isa sa motibo kaya nagdesisyong magbigti ng isang 20-anyos na babae makaraang makipag-away sa kanyang ka-live-in partner kahapon ng umaga sa Zone 5, Barangay Sta. Cruz sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur.
Bandang alas-7 ng umaga nang matagpuang nakabitin sa loob ng kanilang tahanan si Wilma Torrecampo.
Ayon sa police report, huling namataang buhay ang biktima na nakikipagtalo sa kanyang ka-live-in na si Chistopher Banal. (Ed Casulla)