^

Probinsiya

Trader, 1 pa dedo sa shootout

-

BATANGAS, Philippines – Napa­aga ang salubong ni kama­tayan sa isang 46-anyos na trader habang sugatan na­man ang anak nito maka­raang pagba­barilin ng ‘di-pa kilalang lalaki habang nasa loob ng public market sa Tanauan City, Ba­tangas kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni P/Senior Supt. Jesus Gatchalian, ang napaslang na si Ro­lando Arandia, fish trader, ng Brgy. Quiling, Ta­lisay, Batangas.

Sugatan naman ang 22-anyos na anak ni Arandia na si Romar matapos mag­tamo ng mga tama ng bala ng baril sa katawan at ka­salukuyang nasa CP Re­yes Hospital.

Napag-alamang nagde­deli­ber ng isdang tilapia ang mag-amang Arandia sa mga kliyente sa Ta­nauan Public Market sa Barangay 7 nang lapitan at pagbabarilin si Rolando habang umiihi sa may gate ng palengke ban­dang alas-4:20 ng umaga.

Nang makarinig ng pu­tok, mabilis na sumaklolo si Ro­mar at nakita na lang ang ama na nakahandusay kung saan agad na kinuha ang baril sa nakabulagtang ama at hinabol ang gunman hanggang sa mauwi sa ilang minutong barilan. Napatay naman ni Romar ang bu­maril sa kanyang ama su­balit nagtamo din ito ng apat na tama ng bala sa tiyan, kaliwang hita at ka­nang kamay. Taliwas na­man sa police report na sila ang nakapatay sa gunman sambit ng ilang witness sa PSNgayon.

Nakarekober ang mga pulis mula crime scene ng isang caliber 45 pistol, ilang piraso ng basyo ng bala ng baril at larawan ni Rolando Arandia sa bulsa ng pan­talon ng gunman na kasa­lukuyang binebe­ripika pa ang pagkikilanlan. Arnell Ozaeta at Ed Amoroso

vuukle comment

ARANDIA

ARNELL OZAETA

ED AMOROSO

JESUS GATCHALIAN

PUBLIC MARKET

ROLANDO ARANDIA

ROMAR

SENIOR SUPT

SHY

TANAUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with