NUEVA VIZCAYA, Philippines – Aabot sa 59-katao na sinasabing mga kubrador, kabo sa sugal na jueteng ang inaresto ng mga awtoridad kahapon ng tanghali sa magkahiwalay na lugar sa Nueva Vizcaya.
Ayon kay SPO1 Villanueva ng Criminal Investigation and Detection Group, sinalakay ng Task Force Maverick ng CIDG sa Camp Crame sa pamumuno ni P/Senior insp. Gilbert Braga, ang bolahan ng jueteng sa bayan ng Solano at Bayombong kung saan ginagawang front ang Meridien Vista Gaming Corp.
Sa panig naman ng Meridien, na legal ang kanilang operasyon batay sa ipinalabas na temporary restraining order (TRO) na ipinagkaloob sa kanila.
Nauna rito, ay nagpalabas naman ng resolusyon ang Sangguniang Bayan ng Solano sa pangunguna ni Vice Mayor Alex Labasan kaugnay sa illegal na operasyon ng Meridien dahil sa wala naman Mayor’s permit na ipinagkaloob si Mayor Philip Dacayo. Victor Martin