CAMARINES NORTE , Philippines – Isang 30-anyos na mister na sinasabing nakialam sa pagluluto ang sinaksak at malubhang nasugatan ng kanyang misis kamakalawa ng gabi sa Purok 6, Barangay Pambuhan, Mercedes, Camarines Norte.
Kasalukuyang nasa Camarines Norte Provincial Hospital si Antonio Agento habang tugis naman ng pulisya ang suspek na misis si Editha Oabel Agento, 28.
Ayon sa ulat, nagtalo ang mag-asawa sa mantikang ilalagay sa kawali na paglulutuan ng karneng baboy na ihahanda sa kapistahan. Dahil sa pakikialam ng biktima sa pagluluto ay inundayan ito ng saksak ng kanyang misis kung saan kaagad naman tumakas. (Francis Elevado)