^

Probinsiya

P1.3-mil­yong ari-arian winasak ng ipu-ipo

-

BULACAN , Philippines   – Tinata­yang aabot sa P1.3 mil­yong air-arian ang nawa­sak maka­raang manalasa ang ipu-ipo sa apat na bayan sa Bulacan kamaka­lawa ng hapon.

Sa ulat ng Provincial Disaster Coordinating Office na pinamumunuan ni Laz Mon­cal, kabilang sa mga ba­ yan na sinalanta ng bu­hawi ay ang mga bayan ng Balagtas, Guiguinto, Bo­caue at ang bayan ng Ba­liwag.

Napag-alamang nawa­sak ang mga bubong ng pampublikong palengke, mga kabahayan, tindahan, palayan at ang bubong ng wai­ ting shed kung saan da­lawang sibilyan ang nasuga­tan habang dala­wang sasak­yan naman ang nasira.

Sugatang isinugod sa Bulacan Medical Center sina Cesar James Alcaraz, 19; ng Brgy. San Juan; at Eduardo Tusol, 22, ng Brgy. Santol, sa bayan ng Balagtas.

Maging ang traysikel (RR 8818) ni Arnold Cas­tillo ng Brgy. San Juan ay hinigop ng ipu-ipo habang nawasak naman ang liku­rang bahagi ng Toyota Vios (ZSF 451) ni Eutiquio Ta­mon ng Brgy. Panginay.

Nasugatan din si Eduar­do Tuboy Jr. ng Northville 6, Brgy.Santol dahil nabag­sakan ng yerong bubong.

Makalipas ang ilang mi­nutong pananalasa ng ipu-ipo ay bumuhos ang ma­lakas na ulan kung saan nagka­buhul-buhol naman ang trapiko. (Boy Cruz at Dino Balabo)

vuukle comment

ARNOLD CAS

BALAGTAS

BOY CRUZ

BRGY

BULACAN MEDICAL CENTER

CESAR JAMES ALCARAZ

DINO BALABO

EDUARDO TUSOL

SAN JUAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with