Kidnap-for-ransom member itinumba

MANILA, Philippines - Napaslang ang isang miyembro ng notoryus na kidnap-for-ransom gang makaraang pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang kala­lakihan sa bisinidad ng Sitio Pagalungan, Lugay-Lugay, Mother Barangay Bagua, Cotabato City noong Sabado ang gabi.

Napag-alamang patu­ngo sana si Samer Bansil, 26, sa mosque nang big­lang hara­ngin at ratratin ng mga arma­dong kalala­ki­han.

Sa pahayag ng isang tes­tigo na isa sa gunmen ay kini­lala sa alyas na Dadsal na ti­nutugis na ng mga awto­ridad gayundin ang mga ka­sama­han nito.

Sa tala ng pulisya, na­batid na si Bansil na sina­sabing wanted sa batas kaugnay sa pagkakasang­kot nito sa serye ng kidnapping sa Central Mindanao ay miyembro ng Saudi Ka­san KFR gang na sangkot sa bigong pag­dukot kay Manohar Khe­ mani noong Hunyo 10, 2009 sa Brgy. Rosary Heights 7, Cota­bato City sa harapan ng Sardonyx Plaza Restaurant.

Sa ulat ni P/Chief Supt. Josefino Cataluña, si Ban­sil ay isa ring bomb expert na sangkot sa ilang pam­bo­ bomba sa Central Min­danao kabilang ang pag­sabog sa Cotabato City noong Hulyo 5, 2009. (Joy Cantos)

Show comments