Kidnap-for-ransom member itinumba
MANILA, Philippines - Napaslang ang isang miyembro ng notoryus na kidnap-for-ransom gang makaraang pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa bisinidad ng Sitio Pagalungan, Lugay-Lugay, Mother Barangay Bagua, Cotabato City noong Sabado ang gabi.
Napag-alamang patungo sana si Samer Bansil, 26, sa mosque nang biglang harangin at ratratin ng mga armadong kalalakihan.
Sa pahayag ng isang testigo na isa sa gunmen ay kinilala sa alyas na Dadsal na tinutugis na ng mga awtoridad gayundin ang mga kasamahan nito.
Sa tala ng pulisya, nabatid na si Bansil na sinasabing wanted sa batas kaugnay sa pagkakasangkot nito sa serye ng kidnapping sa Central Mindanao ay miyembro ng Saudi Kasan KFR gang na sangkot sa bigong pagdukot kay Manohar Khe mani noong Hunyo 10, 2009 sa Brgy. Rosary Heights 7, Cotabato City sa harapan ng Sardonyx Plaza Restaurant.
Sa ulat ni P/Chief Supt. Josefino Cataluña, si Bansil ay isa ring bomb expert na sangkot sa ilang pambo bomba sa Central Mindanao kabilang ang pagsabog sa Cotabato City noong Hulyo 5, 2009. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending