^

Probinsiya

P2M pekeng produkto ng Casio nasamsam

-

RIZAL, Philippines – Tinatayang aabot sa P2 milyong pe­keng produkto ng Casio ang nasamsam ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation sa isinagawang magkahi­walay na operasyon sa Pasay City at Tanay, Rizal kamakalawa.

Sa sampung search warrant na ipinalabas ni Judge Ofelia Arellano Marquez ng Quezon City Regional Trial Court Branch 216, ni-raid ng NBI ang limang tindahan sa Pasay City at Tanay na nagbebena ng pekeng Casio electronic calculator.

Ayon kay Atty. Philip Pineda, legal counsel ng Casio Phils., ang mga may-ari ng tindahan na nag­papakalat ng pekeng pro­dukto ng Casio ay kaka­suhan sa ilalim ng Trademark Infringement and Unfair Competition.

Kabilang sa mga sina­lakay na establisamento na sinasabing nagbebenta ng pekeng produkto ng Casio ay ang Omni Source Merchandising, Celtabs General Merchandising, dala­wang bodega sa Pasay City at ang Tanay Power Home Commercial.

Napag-alamang aabot sa 1,665 piraso ng mga pekeng Casio ang nasam­sam mula sa limang tinda­han kung saan nagbabala ang Casio Computer Co., Ltd na magpapatuloy ang kanilang kampanya laban sa mga nagbebena ng pekeng electronic and scientific calculator sa buong bansa.

CASIO

CASIO COMPUTER CO

CASIO PHILS

CELTABS GENERAL MERCHANDISING

JUDGE OFELIA ARELLANO MARQUEZ

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

OMNI SOURCE MERCHANDISING

PASAY CITY

PHILIP PINEDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with