Medical officer ng NPA sumuko
MANILA, Philippines - Isang amasona na sinasabing medical officer ng mga rebeldeng New People’s Army ang iniulat na sumuko sa militar sa Kalinga, ayon sa ulat kahapon. Sa ulat ni Army’s 5th Infantry Division chief Major Gen. Nestor Ochoa, kinilala ang sumukong rebelde na si Margarita Lammawin ng Kilusang Larangang Gerilya Baggas. Isinurender din nito ang M16 rifles at sari-saring uri ng mga bala. Sa inisyal na interogasyon, ang 19-anyos na si Lam mawin ay sumapi sa kilusan simula noong 1988 hanggang 2003 kung saan inamin nito na nagdesisyon siyang sumuko bunga ng matinding demoralisasyon sa hanay ng liderato ng NPA gayundin sa matinding hirap at gutom. Joy Cantos
- Latest
- Trending