P.5-milyong ari arian naabo

KIDAPAWAN CITY , Philippines   – Dahil sa celpon charger na sina­sabing nag-overheat ay kumalat ang apoy sa buong ka­ba­hayan na tumu­pok ng P.5 milyong ari-arian sa Pen­datun Street sa Kidapawan City, North Cotabato ka­hapon. Sa ulat ni FO2 Bernard Pacia, nagsimula ang sunog bandang alas-11 ng umaga sa bahay na pag-aari ng pamilya Hernandez Naniniwala naman ang anak ng may-ari ng bahay na si Roldan Hernandez, na nag-overheat na celpon charger na sinasabing pumalya ang ilang electrical wiring ng bahay kaya agad lumikha ng apoy na tumagal ng 30-minutong sunog. Wala naman na­damay na kabahayan at walang iniulat na nasugatan o nasawi dahil sa kaagad na rumesponde ang mga pa­ma­tay-sunog mula sa Kidapawan City at mga kalapit ba­yan ng Makilala at M’lang sa North Cotabato. Malu Manar

Show comments