Suspek sa P7.2-milyong holdap itinumba

MANILA, Philippines - Ilang minuto pa lamang nakakalaya sa kulungan, ay pinagbabaril hanggang sa ma­ patay ng mga ‘di naki­la­lang kalalakihan ang isa sa apat na holdaper na sang­kot sa nasilat na P7.2 milyong jewelry robbery sa  naganap na karahasan sa harapan mis­mo ng Cebu City Jail ka­makalawa.

Napuruhan sa ulo ng bala ng baril si Jeromy Polistico, 34, tubong Clarin, Misamis Occidental

Ayon kay Jail warden Supt. Efren Nemeno, si Polistico ay pansamanta­lang pinalaya sa nabanggit na kulungan ban­ dang alas-12:50 ng tanghali mata­pos na maglagak ng P40,000 pi­yansa.

Napag-alamang kuma­kain si Polistico sa pana­derya sa labas ng city jail sa Ba­ rangay Kalunasan nang la­pitan at pagbabarilin ng da­lawa sa apat na kalala­kihang nakamotorsiklo.

Nagawa pang makatak­bo ng sugatang biktima sa hara­pan ng gate ng nasa­bing piitan kung saan ay kinakatok nito ang pinto pero hinabol pa ito ng mga killer at tuluyang tinapos.

Ayon sa pulisya, baga­man  istilo ng vigilante group ang pagpatay ay hindi gu­ma­gamit ang mga ito ng ma­raming bala sa kanilang mo­dus operandi.

Nabatid na si Polistico ay naaresto ng pulisya kasama ang iba pang suspek na sina Noel Davis, 44, ng Panabo, Davao City; Frederick Yba­ñez, 38, ng Ozamis City at si Kirby Abanilla, 25, ng Brgy. Pasil, Cebu City matapos na looban ang P7.2 milyong ha­laga ng alahas ang negos­yanteng si Jennifer de la Cerna noong Hulyo 21 sa Llamas Street, sa panulukan ng Bacalso Avenue.

Si Jennifer Enriquez na naging malapit sa may-ari ng jewelry shop ay naunang nag­piyansa at nakalaya matapos dinakip ng pulisya dahil sa sinasabing naki­pag­sabwatan sa mga suspek.

Nakorner ng pulisya ang mga suspek matapos na maipit sa trapiko ang kani­lang getaway vehicle. Joy Cantos

Show comments