Suspek sa P7.2-milyong holdap itinumba
MANILA, Philippines - Ilang minuto pa lamang nakakalaya sa kulungan, ay pinagbabaril hanggang sa ma patay ng mga ‘di nakilalang kalalakihan ang isa sa apat na holdaper na sangkot sa nasilat na P7.2 milyong jewelry robbery sa naganap na karahasan sa harapan mismo ng Cebu City Jail kamakalawa.
Napuruhan sa ulo ng bala ng baril si Jeromy Polistico, 34, tubong Clarin, Misamis Occidental
Ayon kay Jail warden Supt. Efren Nemeno, si Polistico ay pansamantalang pinalaya sa nabanggit na kulungan ban dang alas-12:50 ng tanghali matapos na maglagak ng P40,000 piyansa.
Napag-alamang kumakain si Polistico sa panaderya sa labas ng city jail sa Ba rangay Kalunasan nang lapitan at pagbabarilin ng dalawa sa apat na kalalakihang nakamotorsiklo.
Nagawa pang makatakbo ng sugatang biktima sa harapan ng gate ng nasabing piitan kung saan ay kinakatok nito ang pinto pero hinabol pa ito ng mga killer at tuluyang tinapos.
Ayon sa pulisya, bagaman istilo ng vigilante group ang pagpatay ay hindi gumagamit ang mga ito ng maraming bala sa kanilang modus operandi.
Nabatid na si Polistico ay naaresto ng pulisya kasama ang iba pang suspek na sina Noel Davis, 44, ng Panabo, Davao City; Frederick Ybañez, 38, ng Ozamis City at si Kirby Abanilla, 25, ng Brgy. Pasil, Cebu City matapos na looban ang P7.2 milyong halaga ng alahas ang negosyanteng si Jennifer de la Cerna noong Hulyo 21 sa Llamas Street, sa panulukan ng Bacalso Avenue.
Si Jennifer Enriquez na naging malapit sa may-ari ng jewelry shop ay naunang nagpiyansa at nakalaya matapos dinakip ng pulisya dahil sa sinasabing nakipagsabwatan sa mga suspek.
Nakorner ng pulisya ang mga suspek matapos na maipit sa trapiko ang kanilang getaway vehicle. Joy Cantos
- Latest
- Trending