Asawa at biyenan niratrat ni mister

KIDAPAWAN CITY, Philippines – Pinagbabaril at napatay ng isang ’di kilalang suspek ang sariling biyenan sa Cota­bato City kahapon ng tang­hali.

Dead-on-the spot ang biktimang ’di pa natutukoy ang pagkakakilanlan ha­bang sugatan naman si Michelle Bermejo na misis ng suspek at anak ng bik­tima.

Sa ulat, magkaangkas ang biktima sa motorsiklo dakong alas-12:00 ng tang­hali nang madaanan ang suspek sa Barangay Tamon­taka 1 at walang sabi-sabing pinagbabaril ang una.

Nagpanggap na patay na si Michelle upang hindi na umano ito barilin muli ng suspek kaya ang motorsiklo na lang ang kinuha at gina­mit sa pagtakas. Nagsasa­gawa naman ngayon ng manhunt operation ang pulisya at pinaniniwalaang personal ang motibo sa krimen. (Malu Manar)

Show comments