^

Probinsiya

P3.7-milyong shabu nasamsam

- Nina Ed Casulla at Joy Cantos -

MANILA, Philippines - May 3.7 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng pulisya habang tatlong umano’y magkakapatid na big time drug dealers ang naaresto sa isang drug bust operation sa Naga City, Camarines Sur kama­kalawa ng gabi.

Ang mga suspek na sina Ali, Diomair at Juha­vier Diamaoden ay naares­to sa bahay ng mga ito sa Lukban St., Barangay San Felipe, Naga City at naku­hanan ng 456 gramo ng shabu.

Ayon kay Sr. Supt. To­masito Clet, acting chief ng intelligence division ng Naga City Police, una silang nagsagawa ng surveillance operation sa na­turang lugar kung saan isang undercover agent ang nagpanggap na poseur buyer at binentahan ni Juhavier ng P3,000 halaga ng shabu. Dito ay hindi na nakapalag pa ang suspek.

Nakuha din sa operas­yon ang P15,000 cash na umano’y kinita ng mga suspek sa pagbebenta ng droga. Sasampahan ng ka­song paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

vuukle comment

ALI

BARANGAY SAN FELIPE

CAMARINES SUR

DRUGS ACT

LUKBAN ST.

NAGA CITY

NAGA CITY POLICE

REPUBLIC ACT

SHY

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with