^

Probinsiya

32,000 loose firearms nasa Cagayan Valley

-

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Umaabot na sa 32,000 loose firearms na sinasabing nakakalat sa Cagayan Valley ang mino­monitor ngayon ng mga ala­gad ng batas bilang bahagi ng Linis Boga na programa ng pambansang pulisya.

Ayon kay P/Chief Supt. Roberto Damian, Cagayan Valley police director, ang 32,000 bilang ng mga unregistered na mga baril sa buong rehiyon ay kinabibi­la­ngan ng mga high-powered at mga hand guns na hawak ng mga sibilyan.

Aabot lamang sa 50 por­siyento may mga lisensya subalit hindi na nagawang mai-renew pa ng mga may-ari ng baril kung kaya’t pus­pusan ang kanilang pana­wagan sa mga gun owners na dumulog sa mga himpilan ng pulisya at samantalahin ang programa ng gobyerno alinsunod sa Executive Order (EO) 817 ni Pangulong Arroyo na bigyan ng amnesty ang mga nagtatago ng hindi lisensyadong baril.  

 “All owners of loose firearms including those with expired licenses can now avail of amnesty and have their firearms legalized after paying the necessary dues. Concerned persons can just approach their chief of police for orientation and pro­per processing of their unlicensed firearms as well as with those with expired papers”, paliwanag ni Da­mian.  

Ang nasabing programa na ipinapatupad ngayon ng pambansang pulisya ay pinaniniwalaang makaka­tulong upang mabawasan ang mga sibilyan na nag-iingat ng mga baril na wa­lang kaukulang dokumento na karamihan ay ginagamit sa krimen at bilang pagha­handa na rin sa nalalapit na eleksyon sa Mayo 2010.

“This is to ensure a peaceful and orderly elections next year as most political exercises in the past had been marred with violence, aggravated by the presence of loose firearms,” dagdag pa ni Da­mian.Victor Martin

CAGAYAN VALLEY

CHIEF SUPT

EXECUTIVE ORDER

LINIS BOGA

NUEVA VIZCAYA

PANGULONG ARROYO

ROBERTO DAMIAN

SHY

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with