Anak nabaril ni tatay, todas

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines   – Sa hindi inaasahang pagkakataon ay aksidenteng nabaril at namatay ang isang batang lalaki ng kanyang ama sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Nabuhay sa bayan ng Uson, Masbate kamakalawa. Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang taong gulang na si Warren Maglinas, Habang sumuko naman sa pulisya ang ama na si Reynante Maglinas, 30. Base sa police report, lumilitaw na lango sa alak si Rey­nante nang paglaruan nito ang baril at aksidente pumutok at tinamaan ang bata na kanyang kalong. Ed Casulla


Show comments