^

Probinsiya

Magsasaka dinedo dahil sa lupa

-

KIDAPAWAN CITY , Philippines   – Pinaniniwalaang agawan sa sinasakang lupain ang isa sa motibo kaya napaslang ang isang magsasaka, habang sugatan naman ang dalawa nitong anak makaraang ratratin ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa Brgy. Gli-Gli sa bayan ng Pikit, North Cotabato, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Insp. Elias Dandan, hepe ng Pikit PNP, ang nasawi na si Dindo Apatan, 34, habang ginagamot naman sa ospital sina Hazel, 9; at Luke, 4.

Base sa polic report, nanonood ng telebisyon ang mag-aama nang pagbabarilin sa loob ng kanilang tahanan.

Napag-alamang inaangkin ng ilang pamilyang Moro ang lupaing sinasaka ng biktima sa nabanggit na lugar kung saan katabi ng Barangay Bulod na pinamamahayan ng mga Moro na sinasabing konektado sa mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front. Malu Manar


vuukle comment

BARANGAY BULOD

BRGY

DINDO APATAN

ELIAS DANDAN

GLI-GLI

KINILALA

MALU MANAR

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

NORTH COTABATO

PIKIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with