^

Probinsiya

Shabu tiangge raid: 1 dedo, 27 tiklo

-

CAMP VICENTE LIM, Laguna , Philippines   –  Isang lalaki na sinasabing notoryus drug pusher ang iniulat na na­matay samantalang 27 iba pa ang naaresto ng pulisya sa shabu tiangge raid sa ba­yan ng Biñan, Laguna ka­ha­pon ng umaga.

Kinilala ni P/Chief Supt. Perfecto Palad, Region 4-A ang namatay na si Jojo Pinedo na sinasabing na­lunod matapos magtang­kang takasan ang mga pulis kung saan tumalon sa Laguna de Bay.

Sa bisa ng search warrant na ipinalabas ni Judge Ceasar Mangrobang ng Cavite Regional Trial Court, sinalakay ng pinagsanib na elemento ng Laguna Police Provincial Office, Biñan PNP, Philippine Drug Enforcement Agency, Maritime Group at ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang Barangay Ma­laban bandang alas-8 ng umaga

Nabatid na ang Brgy. Malaban ay isang coastal barangay sa gilid ng Laguna de Bay na ginagawang pu­gad ng mga drug adik at drug pusher kung saan ma­hirap marating ng mga aw­toridad.

Sa 14-kabahayang na sinalakay, kumpiskado sa mga suspek ang 57 sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P30,000, 199 piraso ng dried marijuana sa tea bags na halagang P40,000, 46 yunit ng video karera at fruit games machine na may P12,000 halaga ng coins at perang papel.

Nasamsam din ang 7 baril kabilang ang dalawang cal. 45 pistol, cal. 22 pistol, shotgun at tatlong cal. 22 long rifle at limang motorsiklo na gamit sa pagde-deliver ng mga bawal na droga.

Dinala na sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Biñan ang mga naarestong suspek habang inihahanda ang kaukulang kaso na isasampa laban sa kanila.


BARANGAY MA

CAVITE REGIONAL TRIAL COURT

CHIEF SUPT

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JOJO PINEDO

JUDGE CEASAR MANGROBANG

LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE

MARITIME GROUP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with