CALAPAN CITY, Mindoro Oriental , Philippines – Maagang nagwakas ang career ng isang bagitong pulis na namatay dahil sa heat stroke at tatlong iba pa ang na-ospital makaraang sumailalim sa counter insurgency training sa Calapan City kahapon ng umaga.
Kinilala ni P/Chief Supt. Luisito Palmera, Region 4-B police director, ang nasawi na si PO1 Ralph Bogart Jonathan Francisco, 24, ng Palawan.
Isinugod naman sa Mindoro Provincial Hospital sina PO1 Ken Ideal Guro, PO1 Rowel Malo at PO1 Robert Par para sumailalim sa medical treatment.
Ayon kay Palmera, sumasailalim sa 45-araw na Scout Training ang mga bagitong pulis sa Camp Efiginio Navarro sa Calapan City nang mag-collapse si Francisco habang nagdya-jogging bandang alas-5:30 ng hapon noong Linggo.
Naisugod pa sa ospital si Francisco pero namatay din ito bandang alas-2:10 ng madaling-araw kahapon.
“ Our initial assessment is heat stroke, masyado kasing mainit habang nagte-training sila pero isasailalim pa rin sa autopsy ang biktima para ma-discount ang foul play,” pahayag ni Palmera