^

Probinsiya

Police trainee dedo sa heat stroke

-

CALAPAN CITY, Min­doro Oriental , Philippines   – Maagang nagwakas ang career ng isang bagitong pulis na namatay dahil sa heat stroke at tatlong iba pa ang na-ospital makaraang su­mailalim sa counter insurgency training sa Calapan City kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Chief Supt. Luisito Palmera, Region 4-B police director, ang na­sawi na si PO1 Ralph Bo­gart Jonathan Francisco, 24, ng Palawan.

Isinugod naman sa Mindoro Provincial Hospital sina PO1 Ken Ideal Guro, PO1 Rowel Malo at PO1 Robert Par para su­ma­ilalim sa medical treatment.

Ayon kay Palmera, su­masailalim sa 45-araw na Scout Training ang mga bagitong pulis sa Camp Efiginio Navarro sa Ca­lapan City nang mag-collapse si Francisco habang nagdya-jogging bandang alas-5:30 ng hapon noong Linggo. 

Naisugod pa sa ospital si Francisco pero namatay din ito bandang alas-2:10 ng madaling-araw kaha­pon.

 “ Our initial assessment is heat stroke, masyado ka­sing mainit habang nagte-training sila pero isasailalim pa rin sa autopsy ang bik­tima para ma-discount ang foul play,” pahayag ni Pal­mera


CALAPAN CITY

CAMP EFIGINIO NAVARRO

CHIEF SUPT

JONATHAN FRANCISCO

KEN IDEAL GURO

LUISITO PALMERA

MINDORO PROVINCIAL HOSPITAL

RALPH BO

ROBERT PAR

ROWEL MALO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with