Bala sa huling hapunan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Isang mag-live-in partner ang pinagbabaril hanggang mapatay ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa loob ng kanilang ba­hay sa Sitio Cambatag, Barangay Bagauma, Aroroy, Masbate kamakalawa ng gabi. 

Naghahapunan ang mga biktimang sina Emilio Bello, 42-anyos, at Rosalinda Pabalonia, 37 anyos, nang biglang pumasok sa kanilang bahay ang tat­long armadong suspek bago sila pinag­babaril. (Ed Casulla)

Show comments