Trak sinunog ng NPA rebs
August 7, 2009 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinaniniwalaang may kaugnayan sa revolutionary tax kaya sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army ang isang truck ng Megay Construction kamakalawa ng gabi sa Sitio Mayon, Barangay Toytoy sa bayan ng Garchitorena, Camarines Sur. Sa inisyal na impormasyong nakalap ng pulisya, lumilitaw na humihingi ng buwis ang mga rebelde sa may-ari ng construction firm subalit tumangging magbigay kaya sinilaban ang truck na may plakang EAD 367. Ed Casulla
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended