LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 15-anyos na babae makaraang gahasain ay pinaslang pa ng ’di-kilalang lalaki na pinaniniwalaang lango sa bawal na droga sa Sitio Biton, Brgy. Cabayugan sa bayan ng Cawayan, Masbate.
Bandang alas-8 ng umaga kahapon nang matagpuang patay at walang saplot sa katawan si Madelyn Berdin.
Ayon sa pulisya, huling namataang buhay ang biktima na naglalakad papauwi subalit hindi nakarating sa kanilang tahanan hanggang sa matagpuang patay. (Ed Casulla)