Lover ni misis itinumba
KIDAPAWAN CITY , Philippines – Isang 31-anyos na manggagawa ng Dole-Stanfilco na sinasabing naaktuhan nakikipagtagpo sa may-asawang babae ang pinagsasaksak hanggang sa mapatay ng mister ng huli sa bisinidad ng Datu Ingkal Street sa Kidapawan City, North Cotabato kamakalawa.
Napuruhan sa dibdib si Rizaldy Antiporda habang sumuko naman ang suspek na si Jimmy Dante Estrella, 35, driver, ng Barangay Mateo, Kidapawan City.
Ayon kay P/Insp. Sunny Leoncito, love triangle ang pangunahing motibo ng krimen kung saan naaktuhan ng suspek na nakikipagtagpo ang suspek sa kanyang misis.
Ito na ang ikalawang pagkakataon, na naaktuhan ng suspek ang kanyang misis na nakikipagtagpo sa biktima. (Malu Manar)
- Latest
- Trending