^

Probinsiya

Rebulto ni Cory itatayo sa Tarlac City

-

MANILA, Philippines - Itatayo ng lokal na pamahalaan ng Tarlac City ang rebulto ni yumaong Pangulong Corazon Aquino bilang pagkilala sa pagiging ina nito ng demokrasya sa bansa.

Sinabi ni Tarlac City Mayor Genero Mendoza, na magsusumite siya ng resolution sa City Council para maipatupad ang pagpapatayo ng monumento ni Tita Cory sa harapan ng San Sebastian Church sa Poblacion.

Dating nakatayo ang rebulto ni dating Senador Benigno Aquino na inilipat naman sa ibang lugar at posibleng ang rebulto ni Tita Cory ang hahalili rito upang maipagmalaki ng mga taga-Tarlac bilang simbolo ng demokrasya sa bansa at ehemplo ng lahat ng Pilipino.

Isasailalim din ito sa conceptualization at hihingi ng mga panu­kala ng lahat upang maging pulido at hindi pabalik-balik ang paglikha ng rebulto. (Danilo Garcia)

CITY COUNCIL

DANILO GARCIA

ISASAILALIM

ITATAYO

PANGULONG CORAZON AQUINO

SAN SEBASTIAN CHURCH

SENADOR BENIGNO AQUINO

TARLAC CITY

TARLAC CITY MAYOR GENERO MENDOZA

TITA CORY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with