BATANGAS , Philippines – Kinarit ni kamatayan ang isang 55-anyos na kawani ng city hall makaraang pagnakawan ay pinagbabaril pa ng dalawang ‘di-pa kilalang lalaki sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Gulod Itaas sa Batangas City, Batangas kamakalawa ng madaling-araw.
Kinilala ni P/Supt. Manuel Abu, Batangas City police chief, ang biktimang si Jocelyn Manalo, biyuda, ng Sampaguita Subd. kasalukuyang naka-assign sa Batangas City Market Administration Office at naging kawani ng Transport Development Regulatory Office.
Huling nakita ang biktima na may kausap na dalawang lalaki sa loob ng kanyang bahay bandang alas-9 ng gabi
Bandang alas-2 ng madaling-araw nang magising ang anak na si Daryl at nagtungo sa kuwarto ng kanyang ina pero nagulat nalang ito nang matagpuang patay.
Sa imbestigasyon ng pulisya, nagtamo ng tama ng bala ng baril ang biktima sa ulo at braso kung saan tinangay ng mga suspek ang apat na celpon, P.1 milyon at assorted na jewelries.
Samantala, nakilala ni Daryl ang isa sa dalawang lalaking kausap ng kanyang ina na ngayon ay tinutugis ng mga awtoridad. Arnell Ozaeta